Bizami.webs.com

Bicol-zambales-Mindoro

Seafood City! At Home Ako Sa 'Yo!


Di ko na mabilang kong ilang beses na kaming namalengke sa Seafood City. Pero sa maraming beses na yun, siyempre naron talaga yung feeling na "at home" ka nga, sabi nga ni ate Shawee sa TFC (The Filipino Channel) tv commercial ng Seafood City.


Aba eh, sa pagpasok pa lang sa pinto, talagang para ka lang asa Pinas. Kundi di man puro, eh karamihan Pilipino at ang music rin ay Tagalog songs.


Oh, diba? At sinong may sabing alang tuyo at daing dito sa 'tate? Meron! Meron! Malamig nga lang, asa frozen section ba naman, di tulad sa 'tin na sariwa at bagong bilad pa minsan sa araw. Pero at least meron. 


Eh bagoong meron ba? Aba siyempre naman. Kaya sinong ma kakamiss ng bagoong? Que bagoong na isda pa yan o bagoong na alamang. Pati nga paborito kong hot dog meron eh.


Oh ayan ang bagoong monamon, $3.29 daw ang isang bote.

Kundi man lahat, eh halos lahat na rin available dito sa Seafood City. Andyan ang tuyo, daing, fish ball, hot dogs, maging palaman sa tinapay. At eto rin, danggit.

 

Pati paa ng manok (chicken feet) ay andito rin. Sarap nito pang adidas o adobo para sa mga mahilig dito.


At siyempre, para sa mga mahilig sa chitchiria, hindi po iyan mawawala. Sa tuwing mamamalengke kami, didiretso ang mama ko sa isdaan, samantalang ako naman ay mapapatigil na sa "snack aisle" kung saan titignan ko agad ang paborito kong chitchiria "Nova" at "Piatos." Kung on sale, mas masaya kc mas mababa ang presyo. Pero ke on sale man siya o hindi, kukuha pa rin si ako..... eh ang sarap kaya lalo na ng Nova.

(Produce section,) at hindi mawawala ang mga gulay na karaniwan din nating makikita sa mga palengke sa 'Pinas. Meron din dito ng labanos, ampalaya, talong. At minsan kung swerte, ay makakaita kami ng dahon ng sili, kamote at saluyot. 

Ito ang isa pang di mawawala sa aming kusina.... ang mga lutuin mix. Malaking tulong din ito sa pagluluto kasi mas napapadali. Naaalala ko noon wala pa nito, nandyang pag magtitimpla na, kundi man inaabot ng mas matagal sa pag tikim at pagkuha ng tamang timpla, kung minsan naman ay matabang o maalat. 

Ang mga produktong de lata at naka bote ay narito rin lahat. Nandyan man ang mga produktong suka at toyo ng ibang bansa, at kahit minsan ay mas mura pa, wala pa rin talagang tatalo sa produkto natin. Kaya ang gamit naming suka, Datu Puti pa rin :)


Minsan rin ay naka sale ang mga sardinas dito kaya ang gawa namin, katulad ng ibang mamimili ay mag stock na ng mga sardinas at kung ano ano pa.

Other Samot sari Pages


Marukai San Diego


Mitsuwa MarketPlace


Kyoto: Mini Japanese Store of National City


Hogetsu Bakery Chula Vista