Bizami.webs.com

Bicol-zambales-Mindoro

Ang mga salitang kalye ay naging bahagi na ng ating pang araw araw na pamumuhay. Maaaring hindi mo alam o hindi ka man aware pero ginagamit mo na rin ito. O hindi ma'y naririnig mo sa mga kaibigan mong makukulit, kaeskwela, bungangerang kapitbahay o maging sa iyong pamilya at mga kamag-anak.


Ano ano nga ba ang mga halimbawa ng mga salitang kalye? Narito ang ilan sa mga naisip ko, mga salitang kalye na ibinigay rin sa 'kin ng mga kaibigan ko, mga salitang kalye na narinig ko sa aking panonood ng mga teleserye, pelikula at sa mga taong nakakausap ko. Maaaring ilan, kung hindi man lahat sa mga ito ay narinig mo na rin. At marahil ay nabanggit mo na rin sa pakikipag usap mo.


HALIMBAWA NG MGA SALITANG KALYE:


1. tsekot

* kotse.

2. bebot

* babae/dalaga. 

3. epal

* papel o pumapapel.

4. erpats

* Tatay.

5. ermats

* Nanay

6. syonga

* tanga

7.olats

* talo

8. wankata

* katawan

9. amats

* tama

Narito ang ilan pang dagdag sa mga salitang kalye na nabanggit sa itaas. Kung meron kayong alam at nais idagdag, comment lang at ng malaman rin ng iba.


10. Tom Jones

* gutom

11. tsibog

* kain/pagkain

12. tsekwa

* bakla

13. dekwat

* kupit/kumupit

14. tengga

* inip/bagot/ sa bahay lamang

15. okatokats

* takot ako