Bizami.webs.com

Bicol-zambales-Mindoro

Halina't magubgtungan tayo! Noong kabataan ko, aba'y hindi nawawala ang mga bugtong sa Filipino class ko. Kapag ito na ang aralin namin sa klase at excited naman ang mga magagaling kong kaklase. Ung iba excited mag bugtong. Samantalang yung iba'y excited rin....... excited manghula. Kasi nga naman natatandaan ko, sabi nitong isa kong kaklase, si Juan, un at un din daw karamihan ang mga bugtong. 


Aba, eh kung mahilig ka nga naman sa mga bugtong at marami ka ng narinig, eh di alam mo na nga naman ang sagot. Oo nga naman. So eto na ang mga bugtong. Magdagdag pa kayo ng inyong mga nalalaman, at ng tayo'y pare-pareho pang maraming matutunang bugtong.


Anu-ano nga ba ang ating mga Filipino bugtong?


1. Hindi hari, hindi pari, nagdadamit ng sari-sari.


2. Umiitim na parang tinta, pumuputi'y di ikinukula. Ano ito?


3. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.


4. Mataas kapag nakaupo, mababa kapag nakatayo.


5. Dalawang magkaibigan, unahan ng unahan.


6. Nagbibigay na'y sinasakal pa.


7. Lumuluha walang mata, lumalakad ng walang paa.


8. May langit, may lupa, may tubig walang isda.


9. Hindi prinsesa, hindi reyna, ngunit may korona.


10. Kung tawagin nila'y santo. Hindi namang milagroso.


11. Babo'y sa pulo, balahibo'y pako.


12. Walang sala'y iginapos, at tinapakan pagkatapos.


13. Maliit pa si Nene, marunong ng manahi.


14. Narito na si Ka Toto, dala dala'y kubo.


15. Bahay na giring-giring, butas butas ang dingding.


16. Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan.


17. Tahimik kong kaibigan, laging nariyan, sa tubig di nalulunod, sa apoy ay di nasusunog.


18. Gintong ibinalot sa pilak, pilak ibinalot sa balat.


19. Dala mo dala ko. Dala dala ka ng iyong dala.


20. Kamukha mo, kamukha ko, nananahan dito.


Subukang sagutin. Kung suko ka na't gustong malaman ang sagot, asa kaliwang side ang mga tamang sagot.


MGA SAGOT:


1. sampayan.

2. ulap.

3. kasoy.

4. aso.

5. paa.

6. bote.

7. bolpen.

8. niyog.

9. bayabas.

10. santol.

11. langka.

12. sapatos.

13. gagamba.

14. pagong.

15. kulambo.

16. pinya.

17. anino.

18. itlog.

19. paa.

20. salamin.